Estudyanteng walang tsinelas kung pumasok sa klase, nagbigay pa ng saging sa guro



Agaweksena sa social media ang nakakaantig na kwento ng gurong si Ryan James Dueñas tungkol sa kanyang estudyanteng si Manuel. Pumasok daw noon ang naturang estudyante na huli sa mga kaklase. Napansin niyang wala talaga itong isinusuot na sapin sa paa. Di na ito sinita ni Teacher Ryan at nagpatuloy na lamang sa kanyang pagtuturo. Napansin naman niyang tila di makali si Manuel at may kinukuha sa kanyang bag. Nagulat ang guro nang makitang may pasalubong pala sa kanya ang estudyante na ilang pirasong saging. Labis na natuwa ang guro sa kabutihang loob ng bata at ng pamilya nito na nakuha pang magpadala ng pasalubong para sa kanya. Minsan daw kasi, kung sino pa yung walang-wala sa buhay, iyon pa ang marunong magmalasakit na magbahagi. Marahil dahil alam nila ang pakiramdam ng wala kaya nang sila naman ang nagkaron ng biyaya, binabahagi nila ito. Marami ang natuwa sa ginawa na ito ng bata at ang ilan pa ay nais magpaabot ng tulong. Magsilbing halimbawa sana ang batang ito na handang tumulong at magbigay ng kung ano mang meron sila para mapasaya ang kapwa.

PANOORIN NYO PO:



Comments

Popular posts from this blog

How much is the Gucci shirt of Jinkee Pacquiao?

PANOORIN: Sikat na rapper binaril at namatay sa edad na 30 anyos

WATCH: This video is now going viral on youtube and on facebook