Nagulat Ang Lahat | Grabe Naman Ginawa Ni Donnalyn As In
MAYNILA -- Bumili at namigay ng rescue boats ang vlogger at aktres na si Donnalyn Bartolome. Nitong Huwebes, gamit ang kanyang social media account, ibinahagi ni Donnalyn na nakarating na ang binili niyang rescue boats sa Rodriguez (na dating kilala bilang Montalban), Rizal at Marikina.
"Boats delivered to Montalban, Rizal. Get to safety everyone (read the post). Otw to Marikina right now to deliver more boats but natirikan ako guys dahil sa baha. So sorry we are trying our best please wait lang po. MARIKINA WAIT PO you’re next na, rescuers pls standby," ani Donnalyn. Una nang nanawagan si Donnalyn sa mga nais na mag-volunteer para makatulong sa pag-rescue. "MARIKINA and RIZAL residents sino ang gusto mag-volunteer for rescue? Marunong magsagwan at lumangoy, kahit magbayad ako. I’m buying boats na so let me know asap! Need na ng help ng barangays dahil lagi na busy ang lines nila. God help those who need you please please," ani Donnalyn.
Nitong Huwebes ng gabi, muling nanawagan si Donnalyn ng tulong para naman sa mga apektadong residente sa Rizal.
"Inform lang po ako na Rizal needs you more now according to an official I’ve spoken to in Marikina. Unfortunately RIZAL IS STILL IN DANGER. The boats we brought are saving others but we could save more," aniya.
Sa huli, ay nagpasalamat si Donnalyn sa mga tumulong matapos malamang nakarating na rin sa Rizal ang mga rescuer.
Ang Marikina at Rizal ay dalawa lamang sa mga lugar na napinsala ng bagyong Ulysses.
Comments
Post a Comment