Dream house ng isang gasoline boy hinahangaan ngayon ng maraming mga netizens!
Dahil nga sa mahirap ang buhay natin sa ngayon at talagang napakahirap kumita ng malaki at mag-ipon ng sabay ay marami sa mga pamilyang Pilipino ang nagtitiis na lamang sa pagrerenta ng kanilang tinutuluyan.
Sa kasamaang-palad ay sa pagrerenta nila ng mahabang panahon ay hindi rin naman mapapasakanila ang inuupahan nilang bahay. Nakakalungkot mang isipin ngunit tila ba nag-iipon lamang sila sa isang alkansiyang butas naman ang ilalim. Hindi na nakapagtataka na talaga namang hinangaan ng publiko ang isang gasoline boy na ito dahil sa kaniyang pangarap na magkaroon ng sarili niyang tahanan. Hindi na lamang ito isang pangarap sa ngayon dahil sa unti-unti na niya itong naisasakatuparan. Si Igue G. Varra ay nagtatrabaho bilang isang 26 na taong gulang na gasoline boy. Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa social media ang kaniyang pagnanais na makapagpagawa ng sarili niyang bahay. Ang kabuuang nagastos niya sa pagpapagawa ng kaniyang bahay ay P250,000 hindi pa kasama ang kanilang gate at bakod. Talaga namang kamangha-mangha at nakakabilib ang pagtitiyaga sa buhay ng naturang gasoline boy na hindi naging imposible sa kaniya ang kaniyang pangarap.
Nito lamang ika-3 ng Marso 2020 ay nasimulan na ang kaniyang pangarap na bahay. Ayon sa ilang mga ulat ay apat na katao ang nagtutulong-tulong sa paggawa ng kaniyang tahanan na mayroong P500 kita kada araw at mayroon ding libreng pagkain.Sa kasamaang palad ay kinailangan munang ihinto ang pagpapagawa niya ng kaniyang tahanan dahil na rin sa pinatupad na lockdown ng pamahalaan. Ilan sa mga materyales na kaniyang kinailangan ay steel trusses na nagkakahalaga ng P25,000, yero na nagkakahalaga ng P25,000.
Dahil nga sa mahirap ang buhay natin sa ngayon at talagang napakahirap kumita ng malaki at mag-ipon ng sabay ay marami sa mga pamilyang Pilipino ang nagtitiis na lamang sa pagrerenta ng kanilang tinutuluyan.
Comments
Post a Comment