Netizen Nawalan Ng Trabaho Dahil Sa Poor Service Ng PLDT
Sobrang dami na ang nag-rereklamo sa napakabagal na serbisyo ng PLDT.
Ngayon ay panahon ng Pandemya at marami sa mga kababayan natin ang nag rerely lamang sa internet para makapag trabaho. Pero paano kung ang binayaran mong internet ay hindi naman gumagana? May mga service hotlines naman sila pero everytime na tatawag ka ang sasabihin lamang sayo ay i - follow up nila. Sobrang tagal ng serbisyo na talagang mawawala ka na ng gana. Madami na ang nawalang ng trabaho at na fired na sa work dahil sa serbisyo ng PLDT. Syempre kung ikaw ay isang kumpanya tapos ang nag ta trabaho sayo ay hindi makapag perform dahil putol putol lagi ang connection, syempre ano ang gagawin mo? Tuluyan mo na talaga syang aalisin sa trabaho.
Ganyan ang sinasapit ng mga kababayan natin sa Pilipinas, Kahit magbayad ka sa oras, ang kapalit na serbisyo ay basurang internet. Tapos kung ma late ka lang nga kaunti puputulan ka nila agad grabe ang PLDT sobrang dagdag sa stress ng mga kababayan natin. Ang nakakapanlumo ay nagbayad ka sa internet ng tama tapos ganito ang kapalit. Nawalan ka na ng pera, nawalan ka pa ng trabaho. Sana madinig ito ni Pangulong Duterte. Sobrang dami na ang apektado sa bulok na serbisyo ng PLDT.
Sobrang dami na ang nag-rereklamo sa napakabagal na serbisyo ng PLDT.
Comments
Post a Comment